Pwersahang pagdukot sa isang babae sa Makati City, nakunan ng video

Larawan mula sa RMN Ph news




Aktwal na nakunan ng video ang pamumwersa sa isang babae na sumakay ng isang van sa isang lugar sa sa Paseo De Roxas, Makati City nito lamang Lunes ng gabi. Binahagi ng Facebook page na Etc ang nasabing video.

Mabilis na nag-viral ang video kung saan makikita ang ang isang babaeng sapilitang isinasakay ng van.



Nakakakilabot ang mga sumusunod na pangyayari, maririnig pa na sumusigaw ang babae at humuhingi ito ng tulong.

Pilit pang-lumalabas ng van ang biktima dahil kita pa ang kanang binti nito at maririnig ang pagmamakaawa ng babae habang hinihila ito ng mga sakay ng van papasok sa loob.

Mayroong mga nakasaksi sa pangyayari bukod sa nakakuha ng video may ilang ding nagtangkang humabol sa van ngunit di rin nagawang tulungan ang kaawa-awang babae.



"Akala ko no'ng una, away mag-jowa, 'yon pala iba," ani ng isang saksi

"Nakakatakot din po kasi baka may dala 'yong kumidnap kaya wala nang nakialam," dagdag pa ng isa sa mga nakakita ng pangyayari.


Agad na humarurot ang van papalayo at halos makaladkad na ang babae sa bilis ng takbo ng sasakyanl



Ilang oras nakalipas matapos itong maibahagi sa publiko, ayon sa mga balita na isang babae ang kumpirmadong na-kidnap sa Makati City.

Kinumpirma ng Makati police investigations chief Major Gideon Ines na nakatanggap nga sila ng report na isang babae nga umano ay na-kidnap gabi ng Diyembre 9.


May ilang mga video na kumalat kaugnay ng insidente na tinutukoy ng Makati police. Samantala, nakakuha rin ng ID at ibang papeles ang pulisya sa pinangyarihan ng pagdakip. 




Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni Col. Rogelio Simon hepe ng Makati police, tila kakilala umano ng biktima ang mga nakasakay sa van, dahil lumapit pa daw ito bago hinatak papasok sa loob ng van.

"Based din sa lahat ng investigations natin at saka interview natin, the victim na pinipilit ipasok sa van is Chinese, babaeng Chinese, ang assessment namin tinatago rin ang kanyang identity kasi naka-face mask din para hindi siya makilala," ani Col. Simon.

"Ang tinitingnan namin usually na cases ay mga POGO [Philippine offshore gaming operations] o online companies na Chinese na 'yong kanilang employees mismo nakakagawa ng kasalanan," dagdag pa ni Simon.



Sa follow up investigation ng Makati police, nakilala ang biktima na isang chinese, na nagngangalang Zhou Mei, 28 ayon na din sa mga kamag-anak at live-in partner ng biktima na si Cheng Tangbinng.

“Yung [live-in partner] [Cheng] na… hinihingan ng pera. Hindi pa confirm kung hinihingan or bayad sa Chinese [The live-in partner mentioned about someone asking money. It was not confirmed if someone was asking for money or someone was giving money],” ayon kay Major Maj. Gideon Ines Jr., chief ng Makati police investigation division


Kinumpirma din ni Maj. Ines na ang maglive-in partner na sina Zhou and Cheng ay nagta-trabaho sa Philippine offshore gaming operators (Pogo).



“Siya [victim], yung [live-in partner] Pogo worker may position yan sa Pogo kasi nakatira sa [condominium unit] magkano monthly? P50,000,” he said when asked if the victim is a Pogo worker.
(They have positions at Pogo because they are renting at a condominium unit worth P50,000.)" ani Ines

“Malamang kakilala kasi kusang loob siya pumunta [It is possible that they know the victim because the victim voluntarily went inside the vehicle],” dagdag pa nito.




Source: Inquirer


Post a Comment

0 Comments