Pangulong Rodrigo Duterte / Larawan mula sa Malacanang |
Matapos ang isang dekadang paghihintay ay nahatulan na sa
wakas ang mga may sala sa pagkamatay ng 57 katao sa Maguindanao nang dahil sa
politika.
Dahil dito naalala ang ginawang pagtulong ni Pangulong Rodrigo
Duterte na mayor palang noon sa paghahanap para sa 58 na biktima ng nasabing karumal-dumal
na krimen.
Ayon sa isang ulat ng ABS CBN, tumulong ang noo’y mayor ng
Davao City na si Duterte para makapang hiram ng helicopter upang matunton ang lugar
ng krimen, maging sa mga burol.
Ang kwentong ito ay binahagi din ni Esmael "Toto"
Mangudadatu sa isang panayam sa DZMM.
"Kung hindi nagpahiram si Mayor Duterte noon, si
Presidente, halos walang traces na makita," ayon pa kay Magundadatu na
ngayon ay isa nang Congressman sa Maguindanao.
Noong November 23, 2009, namasaker ang 58 katao, kabilang
ang 32 na mamamahayag nang sila ay
harangin ng pribadong hukbo ng Ampatuan, ang pamilyang kalaban sa politika ng
mga Magundadatu.
Nitong Huwebes, isang espesyal na korte ang nag baba ng
hatol para sa 101 na nasasakdal. Ang paglilitis sa kaso ay dumaan sa matinding pagsubok
matapos na paratangan ng panunuhol at
pananakot sa ibang mga saksi.
Samantala, ayon sa pamilya ng mga biktima, hindi nagtatapos
sa nasabing hatol ng korte ang lahat dahil maaari umano humingi ng muling
pagsasaalang-alang or reconsideration ang mga Ampatuan habang unti-unting
nagpapalakas ng kapangyarihan ang mga ito.
Ayon din sa mga ulat, nanalo ang angkan ng 25 lokal na upuan
sa halalan nitong Mayo kabilang ang Sajid Ampatuan, isang nasasakdal sa kaso ng
masaker na pinakawalan dahil nakapag piyansa.
Ang mga nasasakdal ay nahatulan ng 30 taon na pagkabilango
nang walang parol, kung napatuyan na may kinalaman sa 58 pagptay.
Mayroon pa din umanong 80 na mga suspek ang nakakawala, na
maaring maglagay ng panganib sa mga pamilya ng mga biktima.
0 Comments