Lantarang conflict of interest? Asawa ni Mark Villar pangungunahan ang review ng DOJ sa kontrata ng Maynilad, Manila Water

Larawan mula sa Abogado.com



Isang miyembreo ng pamilyang Villar ang umano’y mamamahala sa napapabalitang pag take over sa  Manila Water Company, Inc. and Maynilad Water Services, Inc.

Ayon sa ulat ng Politiko, si Justice Undersecretary Emmeline Aglipay Villar ay pangangasiwaan ang pagsusuri sa dalawang kontrata ng konsesyon ng tubig bilang siya rin ang head ng Legal Services ng Department of Justice's (DOJ) at Liaison Cluster.


Si Emmeline ay asawa ni Public Works Secretary Mark Villar na anak naman ni Senator Cynthia Villar at asawa nitong si bilyonaryo Manny Villar.

Ang mga Villar ay nagmamay-ari ng Prime Water Infrastructure Corp., na nag take over sa local water districts sa bansa sa pamamagitan ng joint venture agreements.

Sa ilalim ng DOJ Department Circular 013 na inilabas noong August 1, 2019, tinalaga ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang magiging hawak ng bawat Undersecretary.



At ang nakatalaga kay Villar ay ang mga sumusunod na government offices:

– DOJ Legal Staff
– Office of the Solicitor General (OSG)
– Office of the Government Corporate Counsel (OGCC)
– Presidential Commission on Good Government
– Public Attorney’s Office
– Land Registration Authority
– DOJ Legislative Liaison Office



Ang DOJ, OSG at OGCC ay kasama sa pagsusuri sa kasunduan sa konsesyon na nilagdaan ng gobyerno sa pagitan ng Maynilad at Manila Water noong 1997.

Sa isang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Linggo, sinabi niya ang kagustuhan na kontrolin nalang ng mga Villar ang mga kumpanya ng tubig sa buong bansa.

"Kaya tayo hindi yumaman eh. Hawak talaga nila. Hindi ako sabihin na masisira daw tayo. We become a pariah in the international. So what? Wala akong pakialam diyan, pariah. ‘Di sirain ko sila dito lahat,”  aniya

“We start from the beginning. Nandiyan naman si Villar, nandiyan naman si — – karaming mayayaman ninyo na… Go and start to develop businesses,” Dagdag ng Pangulo





Post a Comment

0 Comments