Duterte accuses Ayala, MVP of 'syndicated estafa' over water contracts:’Pag nagkamali mga g*g*ng ‘yan, ipakukulong ko talaga sila!'



President Duterte, Ayala and Manny Pangilinan / photo from Google (ctto)


Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin niya ang kanyang natitirang taon sa opisina upang ma-deliver sa publiko ang mga ‘malalaking isda’ sa katiwalian na matagal nang hinihintay ng mga mamamayan.

“Saan ‘yung mga corruption? Saan ‘yung malalaki?” O i-deliver ko na sa inyo ngayon: si Ayala pati si Pangilinan,” aniya



Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tumutukoy umano sa pamilyang Ayala na nagmamay-ari ng Manila Water Co. at Manuel V. Pangilinan na chair ng Maynilad Water Services Inc. na pag-aari ng pangkat na Salim-Consunji.

“Pag nagkamali ‘yang ga — mga g***** ‘yan, ipakukulong ko talaga sila. Kita mo maski anong insulto ko hindi — hindi na sumasagot. Sigurado, swak sila. Syndicated estafa,” dagdag ni Duterte

Nagtagumpay ang pangulo na kanselahain ang pagpapalawig ng mga kasunduan sa konsesyon sa Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. nitong December lang.



“Alam mo ginawa ng mga ul*l? Water distributor lang itong mga buang na ito pero as it turned out, sila na ‘yung pinakamayaman at akala mo sila ‘yung may-ari ng tubig,” ayon sa Pangulo.

Sinabi din ni Duterte na sa ilalim ng 1997 contract (under the advice of abogado Eusebio V. Tan of ACCRALaw), lumalabas na isinuko ng gobyerno ang pamamahala sa Manila Water at Maynilad upang madagdagan ang mga rate ng tubig, bilang ito umano ay nasa kategorya na kalakal at hindi isang bahagi na likas na yaman ng bansa.



Para sa Pangulo, ito ay isang ‘baluktot’ na paraan ng pag interpret sa Constitution.

Ang nasabing kontrata ay nagpapahintulot din umano na magpasa ng kanilang responsibilidad sa pagbabayad ng tax sa kanilang mga mamimili.

“Tapos since 1997, may kolekta sila sa billing, kayong taga-Maynila, environment enhancement kuno, kuno.Ano ‘yan? Water treatment facility na ilagay nila diyan sa tabi ng Harrison Plaza, diyan banda.



Hanggang ngayon, wala. Sige sila kolekta. Trillion na ‘yun, 1997 until now. Walang water treatment. Ngayon ‘pag malugi sila, nasa kontrata, bayaran natin,” aniya


Post a Comment

0 Comments