De Lima slams NBI for allowing witnesses vs. her to return to old posts: Kawawang NBI tapunan ng basura!



Larawan ni senadora Leila De Lima mula sa Manila Bulletin


Binatikos ni Senador Leila De Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag balik nito sa serbisyo ng dalawang mga dating opisyal na tumestigo laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng Politiko, ang dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Rafael Ragos ay nakatakdang bumalik bilang Deputy Director ng NBI habang si Deputy Director naman na si Reynaldo Esmeralda ay naibalik sa kanyang dating posisyon.



“Esmeralda, like Ragos, is set to be reinstated to his former post as NBI Deputy Director. Reward na naman! Kawawang NBI. Nagiging tapunan ng mga basura, rats of the institution,” ayon kay De Lima

Si Ragos ay naunang napabilang umano sa mga akusado kasama si De Lima. Siya inalis naalis sa listahan matapos na tumestigo laban sa senadora.

Samantala, si Esmeralda naman ay tumestigo sa korte noong December 6 para kumpirmahin ang mga sinabi ng iba pang testigo na ang pera mula sa mga drug lords sa loob ng Bagong Bilibid Prison ay inihahatid kay De Lima sa pamamagitan ni Ronnie Dayan.



Si De Lima ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa ilegal na droga noong siya ay nagsisilbi pa bilang Justice Secretary ng administrasyon Aquino.

Samantala, kamakailan lang ay inaprubahan ng senado ng United States foreign relations committee ang resolusyon para igiit ang pagpapalaya kay De Lima.



Ang US Senate Resolution 142 na isinampa noong Abril 2019 ay nagkokondena ng pagkakaaresto kay De Lima kasama na ang harassment umano sa mga journalists katulad nalang ng Rappler CEO na si Maria Ressa.

Hinihimok din ng nasabing resolusyon si US President Donald Trump na patawan ng parusa ang  mga opisyal ng Pilipinas na kasangkot sa pagpapakulong kay De Lima at EJK.

Ang resolusyon na ito ay sinampa at ginawa ni Ed Markey, kasama sina  Senators Marco Rubio (Florida), Richard Durbin (Illinois), Marsha Blackburn (Tennessee), and Chris Coons (Delaware).

Sa isang pahayag ay nagpasalamat si De Lima sa kanyang mga US counterparts sa pag sasampa ng nasabing resolusyon para sa kanya.


Post a Comment

0 Comments