Babaeng nambato ng humidifier sa saleslady, may sakit umano sa pagiisip ayon sa psychiatrist



Larawan mula sa Yahoo News



Naaalala nyo po ba ang babaeng nagwala at nambato ng saleslady sa isang mall sa Cebu City noong nakaraang linggo?

Ayon sa balita ay nahaharap sa patong-patong na kaso ang nasabing ginang, at nagawa pa nitong manampal ng isang pulis habang nasa presinto na kinilalang si Medelina Yamazaki.



Kahapon, Disyembre 12, sumailalim sa psychiatric evaluation ang babae nagviral sa social media dahil sa iskandalong ginawa at pananakit sa isang sales assistant.

Isinagawa ang psychiatric evaluation sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at base sa resulta, may sakit daw ito sa pag-iisip.

Sa isang ulat ng KAMI, sinabi din na kakailanganin ni Yamazaki ng ibayong gamutan at maipasok sa isang  mental institution.



Ayon din sa pamilya ni Yamazaki, dumaranas nga daw ito ng postpartum depression.

Sinabi din ni Mabolo Police Station chief investigator Jeffrey Larrobis na tumutugma umano ang resulta ng evaluation sa isinagawa nilang interogasyon kay Yamazaki.

Halos hindi na daw ito nag sasalita at tila walang alam sa mga nangyari.



Samantala, sumagot naman ang panig ng biktimang si Jennifer Fabillar na sana daw ay hindi na hinahayaang maka labas ang babae at makapunta sa mga pampublikong lugar.

Tutulungan naman daw ng kumpanya si Fabillar dahil sa naging trauma nito matapos ang pang yayari.

Si Yamazaki ay maaring maharap sa maraming kaso tulad ng grave threat, malicious mischief, physical injury, unjust vexation at damage to property.

Post a Comment

0 Comments