Vice President Leni Robredo and Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo / compiled photo from ABS CBN and Politiko |
Isang loyal na taga suporta ng Liberal Party (LP) ay
naniniwala na dapat ay payagan si Vice President Leni Robredo na pumili ng
kanyang makakasama upang masugpo ang illegal drugs sa bansa, ito ay matapos niyang
tanggaping ang hamon ng administrasyon na maging co-chair sa Inter-Agency
Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, kung talaga
raw totoo ang sinseridad ng palasyo sa pagbibigay ng posisyon kay Robredo,
dapat umanong bigyan ito ng sapat na resources para mas makapag function ng mabuti.
“Sabi naman po ng Sec. (Salvador) Panelo, ito naman po ay
sincere offer. So sa aking palagay ng sincere offer, ibig sabihin siya ay
mabibigyan ng sapat na resources at sapat na power para magampanan niya
effectivelty ang function na ‘yan,” ani Quimbo
Binigyang diin ni Quimbo na dapat may Kalayaan ang ikalawang
pangulo na pumili ng kanyang mga tao.
“At sana naman ito, personal na opinion, sana meron din
siyang leeway para piliin ang mga kasama niya kanyang team—puwede niyang
dalahin ang kanyang mga tauhan halimbawa,” ayon dito*
“Kung puwede sana, puwede na mapili ang mga heads ng mga
importanteng ahensya tulad ng PDEA at DILG why not?,” ayon pa kay Quimbo
Naiulat na sa Manila Star na hindi pabor ang Malacanang na
payagang makapamili ng tao si Robredo, lalo na ang Philippine National Police Chief.
“Kalokohan yun… Masyado silang maraming hinihingi.
Pinagbigyan na nga,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo*
Ngayong araw, November 6, ay opisyal nang tinanggap ni
Robredo ang naturang posisyon. Pinirmahan umano ng pangulo ang kanyang appointment
noong October 31.
"Ang pinakamahalagang konsiderasyon para sa akin ay
simple lang: Kung ito ang pagkakataon para matigil ang patayan ng mga inosente
at mapanagot ang kailangan managot, papasanin ko ito kaya tinatanggap ko ang
trabahong ibinibigay sa akin ng Pangulo," ayon sa Bise Presidente.
Ayon sa memorandum, magsisilbing co-chair of the
Inter-Agency Committee si Robredo hanggang June 30, 2022.
0 Comments