Itabi muna ang pulitika! Robin Padilla on SEA Games: 'Oras natin ito, wag tayo-tayo ang maghilaan pababa'


Robin PAdilla / larawan mula sa Bandera



Dahil kabi-kabila ang naging kontrobersya sa SEA Games, umapela ang aktor na si Robin Padilla sa mga Pilipino na tigilan na ang kakareklamo at sa halip ay magkaisa bilang suporta sa ating mga manlalaro.

Ayon sa beteranong aktor, ang pagsasantabi ng isyung ito ay hindi nangangahulugang isa itong cover-up.



“Ito rin ang naging pakiusap ko sa mga lumapit sa akin patungkol sa kanilang mga reklamo na May oras para sa ating sariling hindi pagkakaintindihan lalot dulot ng tradisyonal at baluktot na kultura ng pulitika nating naaagnas na sa baho,” ayon sa post ni Robin sa Facebook

“Hindi ko sinasabing pagtakpan ang mga isyu dahil hindi nararapat sapagkat totoo ang sinasabi ni heneral bong go ang mga ganitong system malfunctioned ay hindi kinakatakutan kundi pinag aaralan para wag mangyari uli.” Dagdag pa niya

Nanawagan din si Robin sna tigilan ang ugaling crab mentality dahil oras ngayon para sumuporta sa mga manlalaro ng bansa sa SEA Games.



“ito ang oras nating mga pIlipino wag tayo tayo ang maghilaan pababa itaas natin ang bawat isa!” Aniya

Dagdag ni Robin, dapat ding pasalamatan ang mga mangagawa na nag overtime para tapusin ang mga facility na gagamitin sa mga laro.

“hindi man sila nakaabot sa ibang deadline nila hindi naman ibig sabihin na silay nagpabaya maaring dulot ng hagupit ng kalikasan.” Ayon sa post niya

“Palagiang maging postibo muna tayo mga kababayan may oras para silipin ang mga pagkukulang sa ngayon purihin muna natin kung ano ang magandang nagawa ng ating mga kababayan na manggagawa para sa ating mga atleta at sa mga darating na henerasyon na mga kabataan. Paalala din ni Robin


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments