Mayor Isko Moreno / file photo via Manila Bulletin |
Limang milyon na donasyon mula sa butihing mayor ng Maynila at dating aktor na si Isko Moreno para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Cotabato.
Ayon sa mga ulat, ang perang ito ay mula umano sa talent fee ni Yorme sa Pascual laboratories at Belo Medical Group kung saan siya ay isang endorser. Ang balitang ito ay kinumpirma din ng Philippine capital's public affairs nitong nakaraang November 1.
Matatandaang kamakailan lang din ay nagbigay ang alkalde ng milyon-milyon niyang talent fee sa mga cancer patients sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon sa report ng Rappler, ang tatlong milyon ay mula sa Pascual Lab at 2 dalawang milyon ay galing naman sa Belo.
Nakaranas ng matinding pagyanig ang ilang probinsya sa Mindanao kasama ang Cotabato kung saan ay may mga gusali pa ang gumuho kaya naman ay malaki talaga ang naging pinsala ng naturang lindol sa ating mga kababayan doon.
Puspusan din ang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan para matulungan ang mga lugar na matinding tinamaan ng magkakasunod na lindol.
Agad ring kumilos ang Dept. of Public Works and Highways para i-check ang structural integrity ng mga gusali at imprastraktura sa mga apektadong probinsya.
Naatasan din ang Philippine National Police na unahin ang pagtulong sa mga apektadong lugar, gayundin ang Air Force na magdadala ng mga relief goods.
Source: KAMI, DWIZ
0 Comments