Dahil sa pagmamahal sa mister, Misis na buntis, kumuha ng isa pang asawa para mag-alaga sa mister


Photo courtesy of Facebook/Nur Fathonah Abdul Rahim



Dahil sa kahustuhang maalagaan ang mister, di na nagdalawang isip ang isang misis mula Malaysia na kumuha pa ng isang asawa para sa mister.

Hindi man pangkaraniwan ang ganitong senaryo  para sa paningin ng publiko ngunit mas ginusto ng misis na si Khuzatul Atiqah na ihanap ng isa pang asawa ang kanyang mister para may mag-alaga dito.



Ayaw umano ni Atiqah na mapabayaan ang asawa dahil sya ay nagdadalang tao at mahhati ang kanyang atensyon nya sa kanyang mister at sa kanyang pinagbubuntis.

Ayon sa Elite Readers, naisipan daw ni Atiqah na gawin ito nang siya ay magbuntis. Sa loob kasi ng nasa pitong taon nilang pagsasama ngayon lang sila magkakaroon ng ibang kasama.

Ito raw ang pagkakataon na mahahati ang atensyon niya sa asawa, kaya’t minarapat nang kumuha ng katuwang sa pag-aalaga nya sa kanyang mister at lalo pa’t may karamdaman din si Atiqah.



Nagpasya ang ulirang may bahay na ibahagi sa social media ang kanyang kalagayan at agad naman itong napansin ng isang single mother na si Nur Fathonah Abdul Rahim.

Maluwag din sa kalooban ng single mom na si Rahim, na nakilala ni Atiqah sa online ang alok ng misis, kaya pumayag itong maging pangalawang asawa ng mister.



Naging maayos naman ang kanilang pagsasama, at sa loob ng isang taon, wala pa silang naging problema at masaya silang magkakasama sa iisang bahay.

Tanggap naman sa tradisyon ng mga muslim ang ganitong konsepto ng pag-aasawa, kaya naman walang naging problema sa pamilya ng bawat isa.

Nagpapasalamat naman si Rahim sa pagkakataon na maging kabilang ng kanilang pamilya at itinuring nya na ding kapamilya si Atiqah dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya at sa kanyang mga anak.






Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments