compiled photo from Kami and Bworld (ctto) |
Inaresto ang isang Chinese national dahil sa
paninigarilyo sa beach ng Boracay, noong Martes, September 9.
Ang
nasabing Chinese national ay kinilalang si Dennis Chong , isang turista, na
nahaharap sa iba’t-ibang paglabag sa ordinansa sa Boracay.
Ayon
sa report, hinuli si Chong dahil sa paninigarilyo nito sa beach, at itinapon pa
sa buhangin ang upos ng kanyang sigarilyo, at sinuntok pa ang pulis na sumita sa
kanya.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Smoking
Ordinance, Anti-Littering, at Direct Assault Against a Person in Authority ang ipapataw sa nasabing dayuhan.
Madaming Netizens ang nagbigay na kanilang saloobin sa ginawang
paglabag ng dayuhang intsik at ang pagnununtok nito sa ating pulis.
“Dapat may baton ang pulis pwede sya mag react
sa assaulting an officer”
“Oh
hindi ba nanlaban? Anong protocol natin kapag nanlalaban?”
“Pati
police hindi natatakot itong Chinese na ito.”
Source: KAMI
0 Comments