Compiled photo from Raffy Tulfo in Action and Youtube |
Kamakailan ay naging laman ng social media ang isang lalaki dahil sa pagwawala at pananakit nito sa isang Grab
driver.
Kalaboso tuloy ang kinabagsakan ni Jan Jervie Mercado o mas kilala bilang Janjan, kasama ang kanyang
girlfriend dahil sa kanilang ginawa sa pobreng Grab driver na si Reynaldo "Rey" Tugade.
Nauna nang naiulat na humingi na si Mercado ng tawad sa
nasaktang grab driver at sinabing pinagsisisihan na niya sa piitan ang nagawa.
Sa follow up report ng Raffy Tulfo in Action sa kaso,
kinumusta ng staff nito si Janjan sa kulungan at doon ay muli nyang
ipinaliwanag ang sarili at ang pangyayari.
Binigyang linaw ni Janjan ang buong pangyayari at aminado siya
sa kanyang mga pagkakamali .
Inamin din ni Janjan na naka-inom sya ng alak nang
makaalitan niya ang Grab driver at kaya ganoon na lamang kalakas ang kanyang
loob.
Sinamantala na din ni Mercado na humingi ng patawad kay Tugade
sa kanyang inasal at pinagdudusahan na man na raw niya ang mga nagawang
pagkakamali.
Samantala, sa pag-follow up din sa presinto si Tugade tungkol
sa status ng kanyang isinampang kaso, laban sa salarin.
At duo’y dinagdagan pa ni Tugade ng kasong "Oral defamation" ang isinampa laban kay Janjan, bukod pa sa mga naunang "physical injury" at "malicious mischief".
Samantala, muling nagpasalamat si Rey sa programang Raffy
Tulfo in Action sa mas pinabilis na pag-aksyon upang makamit ang hustisya sa
kanyang sinapit at sa tricycle driver na tumulong sa kanya.
Dagdag pa ni Rey, kanya nang pinatawad ang mga salarin,
ngunit kanya pa ring itutuloy ang kaso sa mga ito upang magsilbing leksyon kay
Janjan at kanyang mga kasama.
“Ang masasabi ko kay Jervie at sa kanyang mga kasama, Huwag
daanin sa init ng ulo at pwede namang pag-usapan ng mahinahon, at alam naman
nilang medyo may edad na yung tao, dapat medyo gumalang sila, at kahit kanino dapat
mayroong respeto.” sabi pa ni Tugade.
Source: KAMI
0 Comments