Isang OFW ang nagkwento ng kanyang masalimuot na buhay noon
sa piling ng kanyang dating asawa. Marami ang humanga sa kanyang katatagan sa
gitna ng kanyang mga pinagdaanan.
Nagbahagi ng kwento ng kanyang buhay ang isang OFW, na
kinilalang si Michelle Valenzuela, ang kanyang tila mala-impyernong buhay sa
piling ng kanyang dating mister.
Sa kabila ng mga hirap at pasakit sa kanya ay buong tapang
nyang ibinahagi ito na talaga namang nakakabilib dahil sa kanyang
determinasyon sa buhay.
Sa isang litratong ibinahagi nya sa social media, kung saan
kasama niya ang kanyang anim na anak, marami ang hindi makapaniwala dahil
napakalayo ang kanyang itsura sa kanyang kasalukuyang litrato.
Kwento pa ni Michelle, hindi na niya maasikaso ang kanyang
sarili dahil hindi na sya magkanda-kumahog pag-aalaga sa kanilang anim na anak.
Sa kabila nito ay naatim pa ng kanyang mister na magbisyo.
At bukod pa sa pagiging lasinggero ay sinasaktan pa siya
nito at nagdadala pa ng babae sa kanilang tahanan. Di kalaunan, ay pinalayas na
sila nito.
Kaya naman nagpasya syang lumayas na lang at bumalik sa
kanyang ina kasama ang kanyang anim na anak.
Kinalaunan ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa ibang
bansa. Hiwalay man sa kanyang asawa, kinaya niyang itaguyod ang kanyang mga
anak sa tulong ng kanyang magulang.
Ayon pa kay Michelle, Hindi din naging madali ang kanyang
pangingibang bansa. Kahit hindi makatao
ang naging pagtrato sa kanya ng kanyang amo. Patuloy lang siyang nagtrabaho at
nagdadasal alang-alang sa mga anak.
Di kalaunan, dahil sa kanyang pagtitiyaga sa kanyang
trabaho, minahal sya ng kanyang mga amo. At sila pa mismo ang nagpapadala ng
libreng package ang mga anak ni Michelle taon-taon.
Makalipas ang ang pitong taon, masasabi nyang naka move-on
na sya at malapit na nyang makapiling
ang mga anak.
Samantala, hiwalay na ang kanyang asawa at ang kabit nito. Hinding
hindi na daw nya babalikan ang kanyang dating asawa kahit magmakaawa pa ito.
Mensahe ni Michelle sa mga kalalakihan, aniya, “Kaya mga boys, kung mahal nyo ang inyong
mga asawa, huwag nyo kami ipagpalit sa iba, dahil nagbabago kami, at who you na
lang kayo!”
Source: KAMI
-
-
0 Comments