Photo courtesy of Jewel Rashia |
Viral ang larawan ng isang batang naglalako at nagtitinda ng
tinapa at daing sa Pateros, na nakapukaw ng atensyon ng isang netizen.
Ayon sa post ng isang netizen na si Jewel Rashia, na siya
ring nakapansin sa batang nagtitinda, habang siya at ang kanyang ina ay
kumakain sa isang fastfood sa Pateros .
Binahagi ni Jewel ang kwento ng bata na
kinilalang si Lance Abarquez, grade six student mula sa Gawad Kalinga, Sta. Ana.
Kwento ni Jewel, kumakain daw sila ng kanyang ina sa isang fastfood, napansin
ng kanyang ina sa ibabang bahagi si Lance na may bitbit na mga paninda. Agad
na humanga ang kanyang ina sa kasipagan ng bata at labis na naantig ang puso
nilang mag-ina.
Maya-maya pa ay lumapit na ito sa kanila kaya naman
nagkaroon sila ng pagkakataong tanungin ang kalagayan ng bata at upang makabili
na rin ng kanyan mga paninda.
Kwento ni Lance, ulila na sya sa ina at ang kanyang tiyahin
ang nagpapaaral sa kanya.
Sa kasamaang palad, may sakit naman ang kanyang ama, kaya
naman siya ang dumidiskarte ng kanilang panggastos sa pamamagitan ng pagtitinda
ng tinapa at daing.
Kanyang nilalako ang
mga paninda upang mapaubos ang mga ito. Ito raw kasi ang pinagkukunan niya ng
pambaon sa eskwelahan at pandagdag na rin sa gamot ng kanyang ama.
Ayon kay Lance, pursigido raw syang makapagtapos sa pag-aaral, kaya
naman kahit mabigat ang mga paninda ay matiyaga niya itong nilalako at may
kalayuan ang kanyang nararating.
Bakas sa mukha ng bata ang mabuti at busilak na kalooban
kaya naman mas lalo itong hinangaan ng mga netizens.
Dahil dito, nais ng ibang netizens na magpaabot ng
tulong para kay Lance at sa ama nitong may sakit.
May mensahe din si Jewel para sa kapwa nya kabataan, “Sa ibang kabataan dyan maging aral sana to
sa inyo na hindi madali ang buhay, hindi madaling kumita ng pera kaya wag lang
kayo puro "ma/pa penge pera" sa magulang nyo matuto din kayong
dumiskarte dahil hindi niyo alam yung paghihirap ng magulang natin mabigyan
lang tayo ng magandang buhay”
Narito ang ilang saloobin at papuri ng mga netizens kay
Lance:
"Na touch ako saiyo Lance, ang Diyos ay pagpapalain ka
dahil sa pagmamahal mo sa magulang mo."
"Saludo ako sa mga batang ganyan na mag-isip"
"Na touch ako
saiyo Lance, ang Diyos ay pagpapalain ka dahil sa pagmamahal mo sa magulang
mo."
"Grabeh nman npkabait na bata sana gnyan din mga anak d
yong puro ra asa ng magulang dahil paano kon hindi ninyo alam biglang nlang
slang kunin ng maykpal paano na kayo,kahit manlang sa pagtitipid mkatulong nyan
sa magulang kaya mga anak at kbtaan gayahin dapat ang batang ito"
"Paano po kaya siya mahahanap? gusto kong makatulong
dahil mga ganitong bata ang dapat tinutulungan"
"Siswertehin ang
batang to dahil sa kabutihan niya sa kanyang ama. Maswerte ang kanyang tatay
dahil mabait ang kanyang anak hindi yung pabigat pa sa kanila"
Source: KAMI
0 Comments