68-anyos na ex-GF na 'di raw maka-move on, nireklamo ng new GF ng lalaking 27-anyos


Collage photo from Wanted sa Radyo 


Dumulog sa programa ni idol Raffy Tulfo ang magkasintahan na sina Gilbert Mara, 27-anyos at ang bago nitong nobya na si Jasmine Laurel, 36-anyos upang ireklamo ang ex-GF na 68-anyos na.

Ayon kay Laurel, hindi daw maka move-on ang ex ni Mara na si Flory De Guzman at patuloy pa rin daw sa panggugulo sa kanila.



Simula umano magsama ang bagong magkasintahan, di tumitigil si De Guzman sa pag tetext at pinararatangan pa si Laurel na isang babaeng bayaran.

Nang tanungin ni idol Raffy si Mara kung bakit nito iniwan si De Guzman, sinabi nitong bigla niyang narealize na hindi niya ito mahal at dahil na rin sa may edad na ito.

Nang makausap sa telepono si De Guzman, itinanggi niya ang pang gugulo sa relasyon ng dalawa. Depensa pa niya, niloko at pinaasa lang siya ni Mara matapos ang 9 na taon nilang pagsasama.



Hindi raw tinupad ng lalaki ang pangako nito na siya ay susuportahan hanggang sa huli.

Dahil sa kakaibang love triangle na ito, samu't-sari ang mga naging reaksyon ng mga netizens na nakapanood.

"Actually di nkakatawa. Naaawa ako kay lola tsk ginamit lng sya ng lalaki. Sobrang mahal nya yung lalaki kaya sguro sobrang sakit para sa knya na iwan nlng sya bsta2 kac may bagong pinalit ee. Buti sna kung naghiwalay pro both side single, na doble kill c lola.. Theme Song pa nya "ako ba o siya" naalala ko tuloy lola kong pumanaw na, paborito din nyang knta yan 😕😑"



"More than 9  years din un mtgal din un kya ikaw number 2 dapat tumahimk kna lng ingay mo ikaw nmn lalaki ka wag feeling gerald"

"Kapal ng mukha ng lalaki 9 years kayo nagsama ni Flory tapos iwan mo Lang ng ganun.."

"Grabe ka naman madam matanda ka na, pinatulan mo ang napaka batang lalaki. Para kang nagasawa ng bagong panganak na bata noong nasa edad kang 41 years old. LOL"


"Seryoso nung una. Love triangle eh. Nung ngkantahan na ng theme song, comedy! Hahaha!"


Post a Comment

0 Comments