Nanay ng Barretto sisters nagsalita na: Ako ang gustong sapakin ni Marjorie



Inday at Marjorie Barreto /larawan mula sa Instagram at PEPph


Nagsalita na ang ina ng mga Barreto sisters matapos kumalat ang video ni Marjorie kung saan sinabi nito na may “inday” siyang gustong sapakin.

Ayon sa ulat ng Abante, nag post ng Instagram story si Estrella na mas kilala bilang Inday, sinabi nito na siya ang tinutukoy na “inday” ng kanyang anak na si Marjorie sa naturang video.



Ayon kay Inday, nangyari umano ito matapos nilang magkaroon ng malaking away ni Marjorie tungkol sa bahay na pag aari nila sa Subic. Ito rin ang bahay na napabalitang gusto umano kunin ni Julia Barreto kapalit ng pagpapagamot sa lolo nitong si Miguel.

“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own,” sabi ng ina ng mga Barreto na binahagi naman ni Claudine sa kanyang Instagram wall.

Nasaktan din daw si Inday nang mapanood ang kumakalat na video at nakiusap na din kay Marjorie na huwag nang idamay ang kanyang pangalan sa bangayan ng magkakapatid.



“Marjorie, Claudine said everything, please don’t drag my name Marjorie,” giit niya.

“Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME,” Dagdag pa ni Inday.
Sa nasabing video clip ay makikita sina Marjorie, ang mga anak niyang sina Claudia, Leon, at Dani, at pati na rin si Xavi Panlilio, asawa ni Dani.


Ito ay nakunan umano sa hallway ng ospital ng St.Lukes sa Taguig kung saan naka confine noon ang ama ng magkakapatid na Barreto.
Kung papakinggang mabuti ang video, maririnig dito ang pagsabi ni Marjorie sa kanyang kausap na, "Super drama to death si ano, si Inday."
Mabilis namang sumagot ang kasama nito at nagtanong  ng, "Why, what happened?"

"Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko." Dagdag pa ni Marjorie sa kausap.
 Source: Abante






Post a Comment

0 Comments