Nakakalungkot! Star City, tinupok ng apoy, maaaring di magbukas ngayong Pasko



Star City/photo courtesy of CNN


Manila, Philippines – Naiulat kanina lamang medaling araw ng Oktubre 2, ang sunog sa Star City, isa sa kilalang amusement park sa bansa.

Ayon sa ulat ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa Task Force Bravo ang sunog na naganap bandang 2:25am sa Star City compound, Pasay City.



Sa ulat ng GMA News, kinailangan pa ng mga dagdag na fire trucks para maapula ang nagliliyab na siakt na pasyalan, ayon sa Pasay City Fire Marshal Superintendent Paul Pili.

Tinatayang nasa 60 porsyento na ng infrastructure sa Star City compound ang nasira dahil sa sunog, base pa sa ulat, sa huling update ni Superintendent Pili bandang 3:05 am.

Maging ang Manila Broadcasting Company (MBC) building ay inabot na din ng napinsala dulot ng malawak na sunog.



Nag-deploy din ang Philippine Red Cross ng dalawa pang dagdag na fire trucks at dalawang ambulansya ayon kay Senator Richard Gordon .

Sa pinakuhiling balita ng CNN Philippines ngayong umaga, umabot na sa 80 porsyento ng main building ng Star City, kasama  sa nasabing pinsala ang Snow World Structure at ilan pang mga indoor rides, ayon kay BFP Supt. Pili.

Hindi naman nadamay sa sunog ang mga outdoor rides, dagdag pa sa salaysay ni Supt. Pili.


Sa paunang imbestigasyon, hinihinalang nagsimula ang sunog sa sa stock room, kung saan naka-imbak ang mga stuffed toys.
Maaaring arson o problema sa electrical ang mga posibleng pinagmulan ng apoy. Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing sunog.
Idineklarang naapula na ang apoy bandang 4:30 a.m. na kinailangan pa ng labing syam (19) na fire trucks bago tuluyang naapula ang apoy.


Sa pahayag ng management ng Star City, hindi muna makakapagbukas ang nasabing amusement park nga kapaskuhan dahil sa insidente, ayon kay Mr. Rudolph Jularbal, tagapagsalita ng Star City.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments