Artistahing balut vendor, inireklamo ng pangdarambong ng kanyang ex-BF


Photo courtesy of Youtube/Idol Raffy Tulfo in Action



Humingi ng tulong sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo ang isang dating US Navy  na si Alberto Frio, 69 years old, dahil sa pangloloko sa kanya ng kanyang dating nobya na isang balut vendor.

Ayon sa reklamo ni Frio, paulit-ulit na lang daw ang panglalalaki ng nobyang si Ronilyn Solis, 29, years old.



Sa katunayan nga ay anim na buwan na pala itong buntis kahit isang buwan palang silang hiwalay ng retired US Navy.

Dagdag pa ng matanda, makailang ulit na niyang nahuli ang nobya at agad naman nyang pinapatawad ngunit patuloy pa rin ang pangangaliwa ng babae.

Dahil dito, nagpasya na lamang si Frio na mabawi ang halos apat na milyong piso na nagastos niya para sa nobya, sa pamilya at maging sa bisyo nito.



Ngunit mariin namang itinanggi ni Solis ang parating ng dating karelasyon na umabot sa ganoong kalaking pera ang naibinigay nito sa kanya.

Bagamat aminado ang nobya na nakabili ito ng bahay at lupa sa tulong ni Frio. Hindi na rin nito naitanggi pa ang panglolokong nagawa sa dating nobyo.

Pero ayon kay Solis, hindi siya ang humihingi ng mga ito kundi kusang ibinibigay ito ng dating nobyo ang mga nagastos nito sa kanya at maging sa kanyang pamilya.



Dagdag pa ni Solis, matagal na siyang nakikipaghiwalay kay Frio ngunit wala umano siyang magawa dahil sa pananakot nito sa kanya ngunit itinanggi naman ito ng lalaki.

Nadiskubre na raw kasi niya na hindi pa pala ito tuluyang hiwalay sa dati nitong asawa at ayaw daw niyang maeskandalo pa.

Sa pagtatapos na kanilang usapan, pumayag naman si Solis na ibenta na lang ang bahay at lupa na naipundar nilang dalawa at hatiin ito.



Ngunit nagmatigas naman si Frio na kakasuhan pa rin ang ex-GF dahil hindi nito maibabalik ang halagang nais niya.

Ayon naman kay Solis, lahat ng binabawi nito ay kusa nitong ibinigay sa mga panahong sila ay nagsasama pa at wala siyang naitabi mula roon.


Dahil hindi magkasundo, nagpayo na lamang si idol Raffy na dalhin na lang ni Frio ang reklamo sa korte na siyang magdedesisyon tungkol sa kanyang reklamo laban sa dating kinakasama.







Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments