Koreano, Timbog! nagpanggap na na-kidnap at humingi ng ransom sa magulang




Photo courtesy of abs-cbn and Manila Bulletin


Isang Koreano ang naaresto matapos itong magpanggap ng na-kidnap at nagdemand ng ransom sa kanyang mga magulang sa Korea.

Ayon sa balita ng Manila Bulletin, humingi ng tulong ang embahada ng Korea sa Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Pulisya sa pamumuno ni Col. Jonnel Estomo, tungkol sa isa nilang kababayan na di umano ay biktima ng kidnapping.



Kinilala ang Koreano na si Yoo Jin Won, 38 na taong gulang, nagta-trabaho bilang isang tour guide sa isang South Korean tourists na nakabase sa Angeles, Pampanga. Huling nagreport sa kanyang trabaho noong September 24, 2019.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon sa miyembro ng AKG-PNP, upang matunton ang mga huling galaw ng Koreno.

Maging ang social media status ni Yoo Jin ay kasama sa cyber research na ginawa ng mga operatiba ng AKG. At sa nakalap ng impormasyon, nakita ang larawan ni Yoo Jin na kasama ang nobyang Pinay.



Natunton ng mga pulis ang address ng nobya, at ito ay nakatira sa Numancia, Aklan. Agad itong pinuntahan ng mga awtoridad.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na sa bahay pala ng nobya, naninirahan si Yoo Jin, sa Barangay Camanci Norte, Numancia Town, Aklan.

Dinala sa himpilan ng pulisya si Yoo Won upang maka-panayam. At sa imbestigasyon kay Yoo Jin, ito daw ay nagbibiro lamang at nagpanggap na nabiktima ng kidnapping.



“When debriefed, Yoo confessed that he was just joking to his mother in Korea on his kidnapping here in the Philippines because he is in dire need of money,” sabi ni Col. Estomo.

Nais lamang ni Yoo Jin na makahingi ng pera mula sa kanyang mga magulang dahil mahigpit ang pangangailangan nito at walang-wala ng perang panggastos.

Ayon sa mga magulang ni Yoo Jin Won, humihingi raw sa kanila ng ransom na nagkakahalaga ng $5,000 o P250,000 ang "kumidnap" dito.

Nasa pangangalaga na ng AKG ang Koreano at inihahanda na ang isasampang kaso rito dahil sa kidnap-me modus ayon pa kay Lt. Col. Elmer Cereno, AKG spokesperson.

“This should serve as a lesson that you cannot fool the AKG. We have ways of ferreting out the truth and Yoo’s case is not the first,” babala ni Cereno.



Source: KAMI




Post a Comment

0 Comments