Mensahe ni Lito Lapid sa mga bumabatikos: 'Bahala na sila, salamat nalang'



Lito  Lapid /photo from Instagram



Isa sa namayagpag sa halalan 2019 ng pagka senador ay si Probinsyano star Lito Lapid na pumasok sa ika pitong pwesto.

Sa kanyang pagka panalo, nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang kandidatura, maging sa mga bumabatikos sa pagpasok niya sa Magic 12.



“Nababalitaan ko lang. Bahala na sila doon. Salamat na lang. At least napapansin niyo ako masama man o mabuti,"  ang sabi umano ni Lapid, ayon sa ulat ng ABS CBN

Si Lapid ay nakatanggap ng 16, 762, 074 boto base sa 97.36% ng election results mula sa mga clustered precincts nitong Huwebes ng umaga.

Apila ni Lapid sa publiko, huwag sanangmaliitin ang kanyang kakayanan bilang isang isang pulitiko, na naging senador na ng dalawang termino noong 2004 at 2016.

Siya din ang naging gobernador ng Pampanga bago naging mambabatas.

Ayon pa kay Lapid ay may mga nakahanda na din siyang panukalang batas na kanyang isusulong pagpasok muli sa Senado.

"Yung free legal assistance, ito naman, free medical naman," ani Lapid.

Ipagpapatuloy din umano niya ang mga naisumite na niyang batas.

Source: ABS CBN



Post a Comment

0 Comments