17-anyos na candle bearer sa simbahan, minolestiya umano ng pari sa Cebu



Image photo file only from Distinctions Matter website (ctto)



Isang pari sa Dumanjug Cebu ang umano’y nang molestiya ng 17-anyos na candle bearer sa simbahan, ayon sa kumpirmasyon ni Cebu Archbishop Jose Palma nitong Sabado, Marso 9.

Ayon sa ulat ng Sun Star Cebu, ang 17-anyos na dalagita ay nagdala umano ng mga vitamins sa pari noong Marso 3. Nang siya ay makapasok ay inaya raw siya na kumain at manood ng TV.



Maya’t maya pa ay pinahiga siya ng pari sa tabi nito sa kama, saka niyakap at hinalikan.

“Ayaw ana (Huwag nyo gawin yan), Father,” ang sinabi umano ng dalagita ayon sa kwento nito sa mga pulis sabi ni PO3 Irish Buena, head ng Dumanjug Police Station’s Women and Children Protection Unit.

Ayon din sa ulat, ang 17-anyos na dalagita ay isang candle bearer sa simbahan at madalas umano na natutulog sa rectory tuwing Sabado para makapaghanda sa misa tuwing Linggo.

Noong Marso 8, nagsampa na umano ng kaso ang biktima laban sa akusadong pari ng kasong acts of lasciviousness in relation to Republic Act 7610, or the Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Pursigido din ang pamilya ng dalagita na ituloy ang kaso.

Ang biktima naman ay sumailalim na rin sa psychiatric and physical assessment dahil sa trauma matapos ang pangyayari.


Napag alaman na inalis na rin ang naturang pari sa pwesto.


Source: Sun Star


Post a Comment

1 Comments

  1. Inalis lang sa puwesto ?Ililipat sa ibang lugar ?Dapat itapon iyan sa impiyerno 😠 Sunugin sa harap ng mga tao……

    ReplyDelete